Saturday, September 27, 2014

Patuloy



___

Kulang sa maliit na salita
Kontento tulad ng iniisip,
Ngunit hindi kailanman sa salita
Hindi masabi ang tunay na iniisip.

May kung anong nais makamit
Nais pang mahanap at makita,
Makakamtan kaya ang nais makamit
Mahanap pa kaya ang nais makita?
Sa tagal na ng panahong hiniling
Mahaba man ang paglalakbay,
Sa huli at huli iyon din ang hiniling
Magtagal man patuloy pa rin sa paglalakbay!

___

___jr___

No comments:

Poetry of Dreams

To Our Beloved

  You came so little, Yet you became a big part of us. With your every little steps, You brought us the largest footprints to our hearts. Yo...