Saturday, July 18, 2015

Sana...

...

Sana, hindi na lang nagkita
Sana, hindi na lang nagkakilala
Sana, hindi na lang nagkaharap pa.

...

Sana, hindi na lang nagkasama
Sana, hindi na lamang nakakaalala
Sana, hindi na lamang nagkalapit pa.

...

Sana, hindi na lang nagtanong
Sana, hindi na lamang nag-aabang
Sana, hindi na napapaisip lang.

...

Sana, hindi na lang naghintay
Sana, hindi na lamang nagbantay
Sana, hindi na ipinagpatuloy.

...

Hindi sana naghihirapan ng ganito
Hindi sana nasasaktan ng ganito
Hindi sana nagdurusa ng ganito.

...

Jr.

...


No comments:

Poetry of Dreams

How to Begin With?

 ... How to begin with? I know nothing to answer, Whenever I am down; crawling, hurting, suffering It was always you who always find me, Eve...