Saturday, July 01, 2017

Noong Haiskul





Sisimulan ko noong araw na nag-enrol ako
Ang daming tao tanong ko magiging kaklase ko ba ang lahat ng ito?
Halatang-halata sa mukha ang pagkasabik
Na makapag-aral at makipag-kaibigang muli.

Pagpasok ko sa unang araw
Ang kilos hindi pa ganap na dalaga
Mag-salita, umupo, mag-lakad at manamit ay tila ba’t ang bata pa
Ngunit alam kong nasa punto pa ako ng aking pagdadala
Kaya alam kong ayos lang kung di pa ako ganap na dalaga
At hindi iyon minamadali dahil alam kong darating din ako roon.

Sa aking pagpasok sa unang araw ko
Nalungkot dahil nasa huling pangkat ako napunta
Puro maaarte at tamad daw ang aking makikita at makikilala
Ngunit tila nag-kakamali yata sila ng akala
Dahil matitino at mas-mababait ang aking mga nakasama.

Sadyang mang-husga lamang ang mga tao
Kahit hindi pa man nila nakikilala ang isang tao may sarili na silang hukom
Masasama at hindi maganda ang mga pag-uugali
Ngunit sadyang mali sila ng kanilang akala.

Sa paglipas ng mga araw mas nakilala ko ang aking mga kaklase
May mga sadyang sikat sa kalalakihan
May mga sadyang may itinatagong katalinuhan
May mga sadyang palakaibigan lang
Mayroon ring mahiyain at sadyang walang imik kung hindi mo kakausapin
Ngunit masasabi kong mas masaya ang naging kalagayan namin
Dahil sadya atang napunta sa huling pangkat ang mga makukulit
Maiingay man ay sadyang mababait iba sa akala ng marami.

Hanggang sa magkaroon ako ng hinahangan
Na hinahangaan rin ng ilan sa mga kaibigan ko
Na halos sinusundan pa namin na para kaming stalker
Nakakatawa man ngunit sadyang dumating din kami sa ganoong sitwasyon.

Ngayong naalala ko ang lahat noong haiskul
Sadyang marami rin pala akong nakilalang iba’t ibang klaseng tao
Na mas nagpatatag ng aking hinaharap sa ngayon
Na kahit sa likod ng mali nilang pag-aakala
Sadyang ang huling pangkat pa namin ang may magandang hinaharap sa ngayon.

Marami mang nanghusga
Nanglait at nangmata noon
Sila itong tumitingala
Humahanga at nagmamalaki samin sa ngayon
At ang tanging masasabi ko lang
Salamat sa mga alaala ng kahapon.


JR and QJS


No comments:

Poetry of Dreams

To Our Beloved

  You came so little, Yet you became a big part of us. With your every little steps, You brought us the largest footprints to our hearts. Yo...