Nakapagtataka
kung bakit hanggang ngayon,
Ikaw
pa rin ang iniisip at naaalala ko.
Nakakainis
isipin na bumabalik ako sa noon,
Noong
nakakasama pa kita at noong masaya pa tayo.
Sa
tuwing naiisip kita hindi ko lubos maisip,
Bakit
bigla ka na lang nagpaalam at umalis?
Biglaan
ang iyong ginawa halos wala akong naisip,
Ano
bang naging dahilan mo sa iyong pag-alis?
Nakailang
tanong na nga ba ako sa sarili ko?
Halos
hindi ko na mabilang kung ilan na.
Mga
tanong na gusto kong itanong sayo,
Ngunit
mahalaga pa bang tanungin ka?
Sa
ilang taong lumipas na at nawala,
Masyado
nang mahaba itong pagbabalik ko sa narakaraan.
Na
sana gaya ng paglipas ng taon mawala ka na,
Sa
isipan ko at sa mga alaala ko na laging nagdaraan.
Tama
na sana ito dahil alam ko sa sarili ko,
Patuloy
pa rin akong umaasa na magbabalik ka.
Kahit
alam kong napakaimposible na, na maging tayo,
Na
muling kang magbabalik dahil alam kong tinapos mo na.
Kaya
nakapagtataka lang talaga kung bakit hanggang ngayon,
Bakit
ikaw at ikaw pa rin ang naiisip at naaalala ko?
Jr.