Tuesday, September 21, 2021

Ang Piping Saksi

) ) )

 

Paano nga ba tayo nagkakilala?

Wala akong malinaw na alaala.

Pero tanda ko may isang piping saksi,

Isang saksi na nagdugtong ng ating pisi.


Wala akong kaalam-alam na iyon ang simula,

Na iyon ang magiging tulay nating dalawa.

Dahil sa tuwing tayo'y nagkikita nang hindi sinasadya,

Ang piping saksi ang ating gabay nang hindi sadya.


Nagbibigay sa atin ng munting liwanag,

Sa dilim na ating tinatahak sa magdamag.

Sa liwanag nitong bigay tayo ay nagkikita,

Hindi man inaasahan tayo ay nagkakilala.


Ito ang ating simula,

Ito ang aking tanda.

Na sana ay iyong naaalala,

Sa tuwing iyong nakikita.


Jr.











No comments:

Poetry of Dreams

How to Begin With?

 ... How to begin with? I know nothing to answer, Whenever I am down; crawling, hurting, suffering It was always you who always find me, Eve...