Minsan ko nang sinabi,
... sa sarili ko
... na limot na kita
... na nag-move forward na ako.
Ngunit ngayon iba na ang sinasabi,
... may mali ako
... nagnanais akong makita ka
... naka-move forward na nga ba ako?
Ewan pero isa lang ang alam ko,
... hindi na ako nasasaktan
... ngunit may nais lang akong tapusin
... gusto kong liwanagin ang nakaraan.
Nais kong ikaw mismo,
... malinaw na isipan
... upang hindi na kita isipin
... at tuluyan na kitang iwan sa nakaraan.
Jr.
No comments:
Post a Comment