Sakit…
Ang sakit pala kapag nakita mo na,
Iyong solid na totoong-totoo na.
Umiyak…
Gusto kong umiyak pero walang luha,
Kahit anong piga ko wala pa ring luha.
Sakit…
Sa sobrang sakit nanginginig ang buong kalamnan ko,
Sa sobrang sakit wala akong madama sa sarili ko.
Lungkot…
Hindi ko alam kung lungkot nga ba ito,
Basta hindi ko maintindihan kung anuman ito.
Sakit…
Handa naman ako pero bakit parang sampal ang katotohanan?
Handa na nga ba ako o ngayon lang nang makita ko ang katotohanan?
Nakakalito…
Dahil alam kong nasasaktan ako pero,
Walang luha at puro na lang pero…?
Sakit…
Bakit ganon? Ano ba itong nadarama ko?
Sakit nga ba? Ganon lang ba itong nadarama ko?
Katotohanan…
Hindi siya naging akin, hindi kailanman nagtapat,
Ngunit nasaktan ako sa katotohanan, sa hindi ko pagtatapat.
Katotohanan…
Sa ibang piling na siya masaya ngayon,
Dapat ko nang iwan ang nakaraan at tanggapin ang ngayon.
Sakit…
Sa hindi ko pag-amin ng tunay kong nadarama,
Ngunit may pagsisisi man, huli na ako upang ipaalam ang aking nadarama.
Jr.
No comments:
Post a Comment