Monday, February 12, 2024

Sa Likod ng mga Mata

 

May mga nakikita na hindi nakikita ng mga mata lamang,

Mga pangyayaring hindi madaling ipaliwanag na lamang.

 

Dahil hindi lahat ng dapat na makita ginagamitan ng mga mata,

Dahil sa likod ng mga nakatagong kaganapan walang silbi ang mga mata.

 

Mga pangyayaring hindi maipaliliwanag ng salita lamang,

Mga tagpong mahirap hanapan ng mga madaling kasagutan lamang.

 

Dahil sa likod ng mga hindi nakikita,

May mga lihim na nakatago na hindi nakikita.

 

Mga lihim na iilan lamang ang nakakakita,

Ngunit hindi lahat kayang ipaliwanag ng nakakakita.

 

Hindi sapat na makita mo lamang ang mga nakakubling kaganapan,

Dahil sa bawat tagpong iyong makikita ito’y nababalot ng misteryosong kaganapan.

 

Mga misteryong mahirap bigyan ng kahulugan,

Misteryong nagaganap ng tahimik at may lihim na kahulugan.

 

At sa bawat misteryo may dalawang kulay ang makikita,

Dalawang simpleng kulay na maglalarawan sa makikita.

 

Isang puti at isang dilim na may makaibang kahulugan,

Nakatutuwa at nakakatakot na mga kahulugan.

 

Ngunit isa man sa dalawang kulay na masisilayan,

Ang bigyan ito ng kahulugan sa realidad ay hindi agad masisilayan.

 

Dahil anuman ang nais nitong ipakahulugan upang matanggal ang misteryo,

Ay isang pag-suot sa butas ng karayom na mga mata’y nakapikit sa hinaharap na misteryo.

 

… May mga nakikita man ang ating mga mata sa mundo ng realidad,

Sa kadilimang nababalot ng nakasarang mata may misteryong hindi maipaliliwanag ng realidad.


... ... ...


Jr.



Poetry of Dreams

To Our Beloved

  You came so little, Yet you became a big part of us. With your every little steps, You brought us the largest footprints to our hearts. Yo...