May
mga nakikita na hindi nakikita ng mga mata lamang,
Mga
pangyayaring hindi madaling ipaliwanag na lamang.
Dahil
hindi lahat ng dapat na makita ginagamitan ng mga mata,
Dahil
sa likod ng mga nakatagong kaganapan walang silbi ang mga mata.
Mga
pangyayaring hindi maipaliliwanag ng salita lamang,
Mga
tagpong mahirap hanapan ng mga madaling kasagutan lamang.
Dahil
sa likod ng mga hindi nakikita,
May
mga lihim na nakatago na hindi nakikita.
Mga
lihim na iilan lamang ang nakakakita,
Ngunit
hindi lahat kayang ipaliwanag ng nakakakita.
Hindi
sapat na makita mo lamang ang mga nakakubling kaganapan,
Dahil
sa bawat tagpong iyong makikita ito’y nababalot ng misteryosong kaganapan.
Mga
misteryong mahirap bigyan ng kahulugan,
Misteryong
nagaganap ng tahimik at may lihim na kahulugan.
At
sa bawat misteryo may dalawang kulay ang makikita,
Dalawang
simpleng kulay na maglalarawan sa makikita.
Isang
puti at isang dilim na may makaibang kahulugan,
Nakatutuwa
at nakakatakot na mga kahulugan.
Ngunit
isa man sa dalawang kulay na masisilayan,
Ang
bigyan ito ng kahulugan sa realidad ay hindi agad masisilayan.
Dahil
anuman ang nais nitong ipakahulugan upang matanggal ang misteryo,
Ay
isang pag-suot sa butas ng karayom na mga mata’y nakapikit sa hinaharap na
misteryo.
…
May mga nakikita man ang ating mga mata sa mundo ng realidad,
Sa kadilimang nababalot ng nakasarang mata may misteryong hindi maipaliliwanag ng realidad.
... ... ...
Jr.
No comments:
Post a Comment