Mahal kita
Mahal na mahal kita,
Mga katagang mahirap kalimutan
Mga katagang aking nakamtan.
Ngunit nagbago ka
Biglang-bigla nagpaalam ka,
Sabi mo mahal mo ako
Ako lang ang mahal na mahal mo.
Pero bakit biglang-bigla
Nagdesisyon ka na lang biglang-bigla,
Iniwan ako sa ere at mawala ang tayo
Ngunit sabi mo mahal na mahal mo pa rin ako.
Mahal?
Mahal na mahal?
Kung ganoon bakit mo ako sinasaktan?
Bakit mo ako pinahihirapan?
Ano ba ito isang laro?
Anong klaseng laro?
Papel, gunting, bato at puso?
Jock and poy ba ito?
Ang sakit lang kasi kasama ang puso
Kailangan bang kasama talaga ang puso?
Binato, ginunting at ibinalot mo sa papel
Ano na lang ang natira na maaaring pumapel?
Kung ang pusong inangkin mo minsan
Na sinabi mong minahal mo minsan,
Ngayon ay durog na at wasak na
At wala akong ibang masabi kundi sana... sana.
Sana hindi mo na lang ako minahal
Sana talaga hindi mo na lang ako minahal,
Para kahit magpaalam ka pa
Paulit-ulit na lumayo at mawala ka.
Itong sakit na nadarama ko ngayon
Itong paghihirap na nagpapatuloy hanggang ngayon,
Kailanman hindi ko mararamdaman
Kailanman hindi ko mararanasan.
Mahal kita
Mahal na mahal kita,
Mga katagang gustong-gusto kong kalimutan
Mga katagang sana hindi ko na lang nakamtan.
Jr.
No comments:
Post a Comment