Thursday, August 05, 2021

Paglimot?

 


"_"

 

Paano nga ba ang paglimot?

Kung ikaw mismo ang umiikot?


Minsan ka nang nagpaalam,

Lumayo na iyong ipinaalam.


Nasaktan ako dahil akala ko forever na,

Na ikaw na ang endless ko pero hindi pa pala.


Bakit ko naisip iyon?

Bakit ko nadama ang ganon?


Dahil ikaw mismo ang nagpakilala,

Nagpakita ng damdaming noon ko lang nakilala.

 

Ikaw mismo ang nagturo at nagpadama,

Ikaw mismo ang nagbukas ng aking nadarama.

 

Bakit mo iyon ginawa?

Pinilit ang sariling kilalanin ang iyong gawa.

 

Na ilang beses ko ring tinakbuhan,

Tinakasan ngunit sa huli naroroon ka sa daan.

 

Nakaharang saan man ako dumako,

Nakasunod saan man ako tumakbo.

 

Hanggang sa mapagod na lang ako,

Hinayaan kang gawin ang iyong gusto.

 

Sabi mo I want you to be my friend,

Someone special then why just a friend?

 

Hindi ko maintindihan noong una,

Pero habang tumatagal nagbabago na.

 

Mula sa pagiging kaibigan,

Unti-unti naging ka-ibigan.

 

Natutunan kitang mahalin,

Natutunan kitang harapin.

 

Nadama kong mahal mo rin ako,

Hindi ka nagkulang sa pagpapakita ng damdamin mo.

 

Sa salita at sa gawa,

Sinabi mo ng walang sawa.

 

Ipinakita mo sa bawat kilos,

Ipinadama mo sa lahat ng iyong kilos.

 

Kaya akala ko ikaw na ang forever,

Akala ko ikaw na ang endless but it's never.

 

Dahil isang araw biglaan ka na lang nagpaalam,

Binigla mo ako sa iyong pagpapaalam.

 

Hindi ako handa dahil alam ko,

Mahal na mahal mo ako.

 

At narinig ko pang sinabi mo,

'I love you the reason why I need to let you go.'

 

 Why? I asked,

Repeatedly I asked.


But you don't let me live with any answer,

You just go away without an answer.


Ang sakit pero kinailangan kong lumimot,

Turuan ang sariling mag-move-on kahit napakahirap lumimot.


Matagal ang proseso,

Mahirap i-proseso.


Ngunit kinaya ko sa maliliit na hakbang,

Hanggang sa unti-unting lumaki ang bawat hakbang.


Okay na ako sabi ko sa sarili ko,

Kaya ko nang kalimutan ka at lumayo.


Sa mga alaalang ipinabaon mo,

Sa mga kaligayahang ibinigay mo.


Hanggang sa isang araw,

Bigla ka na lang lumitaw.


Hindi lang isang beses,

Napakaraming beses.


Umikot ka na naman,

Sa mundo kong minsan nang nawalan ng laman.


Unti-unti kang nagbabalik ngunit umaalis,

Nagbibigay pag-asa na iyo ring binabawi sa iyong pag-alis.


Kaya ang tanong ko sayo,

Bakit ginaganito mo ako?


Tinatanong kita ng paulit-ulit,

Ngunit tahimik ka lang nothing to admit.


Paulit-ulit halos sa tuwing bagsak ako,

Naririyan ka tumutulong ngunit iiwan din ako.


Maraming katanungan sa isip,

Sangkaterbang pag-iisip.


Ngunit iisa lang ang tanong,

Na walang kasagutan sa walang katapusang tanong.


Paano nga ba ang paglimot?

Kung ikaw mismo ang umiikot?


"_"


Jr.



No comments:

Poetry of Dreams

To Our Beloved

  You came so little, Yet you became a big part of us. With your every little steps, You brought us the largest footprints to our hearts. Yo...