Wednesday, September 01, 2021

Hanggang Ngayon

 

  

 

 

 

 

 

Nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon,

Ikaw pa rin ang iniisip at naaalala ko.

 

Nakakainis isipin na bumabalik ako sa noon,

Noong nakakasama pa kita at noong masaya pa tayo.

 

Sa tuwing naiisip kita hindi ko lubos maisip,

Bakit bigla ka na lang nagpaalam at umalis?

 

Biglaan ang iyong ginawa halos wala akong naisip,

Ano bang naging dahilan mo sa iyong pag-alis?

 

Nakailang tanong na nga ba ako sa sarili ko?

Halos hindi ko na mabilang kung ilan na.

 

Mga tanong na gusto kong itanong sayo,

Ngunit mahalaga pa bang tanungin ka?

 

Sa ilang taong lumipas na at nawala,

Masyado nang mahaba itong pagbabalik ko sa narakaraan.

 

Na sana gaya ng paglipas ng taon mawala ka na,

Sa isipan ko at sa mga alaala ko na laging nagdaraan.

 

Tama na sana ito dahil alam ko sa sarili ko,

Patuloy pa rin akong umaasa na magbabalik ka.

 

Kahit alam kong napakaimposible na, na maging tayo,

Na muling kang magbabalik dahil alam kong tinapos mo na.

 

Kaya nakapagtataka lang talaga kung bakit hanggang ngayon,

Bakit ikaw at ikaw pa rin ang naiisip at naaalala ko?

 

Jr.

 

 

No comments:

Poetry of Dreams

Hear Me. See Me.

  I can clearly hear you, Yet, I am deaf on my own, I can clearly see you, Yet, I am blind on my own. Deaf on my own voice, I only listen to...