Monday, October 30, 2023

Daan


 
Anong meron sa daang aking tinatahak?
Sa daang malinaw ko namang nakikita,
Ngunit unti-unting naglalaho sa bawat hakbang.

Ano ang aking nakita at nasaksihan?
Sa daang wala na atang katapusan,
Na dahan-dahang naglalaho sa bawat hakbang.

Anong simbolo ang nais ipahiwatig ng mga daan?
Sa bawat hakbang na aking tinatahak,
May mga misteryong bumabalot sa bawat daan.

Anong bumabalot sa daang unti-unting naglalaho?
Daang mahiwaga na maraming ipinapakita,
Mga iba't ibang misteryong naglalarawan sa bawat daan.

Anuman ang nais ipahiwatig ng daang aking tinatahak
Sa paglipas ng mga oras; diwa'y magkakamalay,
Unti-unting naglalaho; nabubura sa kamalayan.

Anuman ang nasaksihan o nakita sa daang iyon
Naglahong lahat sa pagmulat ng mga mata,
Nawala na parang bula; tuluyan nang nabura sa kamalayan.

= = =

Jr.


No comments:

Poetry of Dreams

Hear Me. See Me.

  I can clearly hear you, Yet, I am deaf on my own, I can clearly see you, Yet, I am blind on my own. Deaf on my own voice, I only listen to...