Tuesday, September 20, 2011

Nagmamahal

Hanggang kailan, hanggang saan?
Dapat pa bang umasa at maghintay?
Bakit pa ba ginagawa?
Bakit hindi na lang tumigil?

Mahirap, masakit sa kalooban
Ngunit patuloy pa rin dumadaloy,
Iwasan man o kalimutan man
Pilit pa ring bumabalik, umaagos.

Umaasang balang araw ay magkikita
Magkakaharap o magkaka-usap man lang,
Malayo mang mangyari at imposible
May pananabik na masilayang muli.

Naghihirap man ang kalooban
Nagdurusa man sa pag-ibig,
Hindi sigurado o walang katiyakan
Mahalaga ay nagmamahal ng tunay...

No comments:

Poetry of Dreams

Sadness Pain

  Sadness, Once again says, 'Hello'. Slowly crawling and dipping in, Now, it becomes my fellow. Pain, Begin to creep. Embrace my inn...