Sunday, March 24, 2013

Makinig


...
     Kung minsan kailangan nating itikom ang ating mga bibig at ipikit ang ating mga mata upang bigyang daan ang ating mga tainga na makinig sa ibinubulong ng ating mga puso.

...
     Dahil ito lamang ang makakahanap sa mahalagang bagay na kay tagal na palang nakatago sa kasuluk-sulukang ng ating mga puso.

...
     Na kung bibigyan lang ng pagkakataong pakinggan at sundin ang ibinubulong ng puso, ang kapares nitong puso'y masayang makakapiling ang tunay na itinitibok.

...
     Gaano man kalayo, gaano man kahaba ang paghahanap, magtatagpo at magkakasama pa rin ang tunay na itinitibok ng pusong ibinubulong ang tunay at wagas nitong kapares sa habangbuhay...

... ... ...

No comments:

Poetry of Dreams

Hear Me. See Me.

  I can clearly hear you, Yet, I am deaf on my own, I can clearly see you, Yet, I am blind on my own. Deaf on my own voice, I only listen to...