Saturday, August 26, 2023

'PAALAM'

 

Gaano kahirap ang salitang... 'PAALAM'?

Gaano katagal matanggap ang pamamaalam?

 

Kung sa bawat paalam may mga maiiwan,

Sa bawat pamamaalam maraming naiwan.

 

Gaano kasakit sa maiiwan ang pamamaalam?

Kung sa bawat naiwan hindi lahat ay nakapagpaalam.

 

Kung sa bawat katapusan ay kailangang mag-paalam,

Sa bawat huling sandali hindi mawawala ang pamamaalam.

 

Sa mga maiiwan, ang sakit ay hindi madaling mawala,

Hindi madaling matanggap ang anumang pamamaalam.

 

Ngunit dumadating ang katapusan na hindi mapipigilan,

Hindi kailanman maiiwasan ang katapusan na mahirap pigilan.

 

Jr.

 

 

No comments:

Poetry of Dreams

Hear Me. See Me.

  I can clearly hear you, Yet, I am deaf on my own, I can clearly see you, Yet, I am blind on my own. Deaf on my own voice, I only listen to...