Saturday, January 27, 2018

*Tatlo (Poetry from: L - P to R)



Tatlo, tatlong beses kita nakita,
Sa tatlong pagkakataong puro hindi sinasadya.

Tatlo, tatlong segundo,
Ngunit sa tatlong segundong iyon doon kita nakilala.

Tatlo, tatlong beses kong narinig ang boses mo,
At sa tatlong iyon doon timibok ang puso ko.

Tatlo, tatlong minuto,
Nakita na rin kita ng harapan.

Tatlo, tatlong oras,
Ganoon kita katagal hinintay para lang muli kitang makita.

Tatlo, tatlong araw,
Hindi mo ako pinatulog dahil ikaw lang ang laman ng isip ko.

Tatlo, tatlong linggo lang,
Nang sundan kita palihim.

Tatlo, tatlong buntong-hininga,
Doon ko na na-realize na gusto na kita.

Tatlo, tatlong tango lang,
Naging stalker mo ako ng palihim.

Tatlo, tatlong tanong lang ang nasa isip ko,
Mapansin mo kaya ako, kilalanin mo ba ako at tanggapin mo kaya ako?

Tatlo, tatlong ngiti,
Iyon lang ang natatandaan kong ibinigay mo sa akin.

Tatlo, tatlong beses na nagrigodon ang puso ko,
Sa sobrang lakas akala ko natanggal na iyon sa dibdib ko.

Tatlo, tatlong tili,
Doon na ko na na-realize na mahal na kita.

Tatlo, tatlong beses mo akong nahuli,
At sa wakas napansin mo na ako na hindi ko alam kung tama ba.

Tatlo, tatlong kunot ng noo,
Nang mahalata mo ang pagsunod ko sayo.

Tatlo, tatlong beses mo akong tinanong,
Sino ako, bakit ako nakasunod, at ano bang kailangan mo?

Tatlo, tatlong salita lang ang naisagot ko,
Kasi mahal kita.

Tatlo, tatlong beses kang napailing,
At sinabi mong tigilan na kita.

Tatlo, tatlong beses akong nag-isip,
Ngunit sinabi ko sayong walang masamang magkagusto ako sayo.

Tatlo, tatlong katwiran ang ibinigay mo,
Hindi mo ako kilala, hindi rin kita kilala, at may mahal na akong iba.

Tatlo, tatlong kaalamang alam ko,
Kaya nga sa malayo lang ako nakatingin sayo.

Tatlo, tatlong beses mong ginamit na suklay ang kamay mo,
At sinabi mong tama na please, it scares me.

Tatlo, tatlong ingles ang sinabi mo,
Na sinagot ko ng, no harm done.

Tatlo, tatlong beses kang humingang malalim,
At doon ka na nagalit at sinigawan ako.

Tatlo, tatlong salita mong nagwasak ng puso ko,
Stop loving me.

Tatlo, tatlong hampas ng malakas na hangin,
Iyon ang sumampal sa akin.

Tatlo, tatlong hakbang mo lang paalis,
Tuluyan nang nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha.

Tatlo, tatlong segundo lang,
Nawala ka na sa akin.

... Hanna


---v--- ---v--- ---v---

Jr.



No comments:

Poetry of Dreams

Hear Me. See Me.

  I can clearly hear you, Yet, I am deaf on my own, I can clearly see you, Yet, I am blind on my own. Deaf on my own voice, I only listen to...